L e s b i t


Forum: Life in the Philippines as a lesbian, bisexual or transgender.

C e l e b r a t i n g   L o v e   B e t w e e n   W o m e n
 
HomeHome  FAQFAQ  RegisterRegister  Log inLog in  WelcomeWelcome  Contact Us  

Share | 
 

 Watching Cherry Blossoms Fall

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
yourdyke
Sikat
avatar

Post Count : 98
Current Location : in the heart of the moon
Sexual Identity : sb

My Status
Current Status:
I am feeling..:

PostSubject: Watching Cherry Blossoms Fall   Fri 08 Jan 2010, 10:17 am

pagod
ka na. pagod na pagod ka na kaya ayaw mo ng gumalaw. ayaw mo ng tumayo,
lumakad at kumain. ayaw mo na rin mag-isip. ang totoo, matagal ka ng
tumigil sa pag-iisip kaya nga medyo nasasanay ka na. ang di mo alam,
kailangan mong mag-isip.


pero
pagod ka na. napagod ka na sa paglalakad sa landas na pinaniwalaan mong
tama pero hindi naman pala. tumingin ka sa likod pero nakita mong
malayo na ang nalakbay mo at mukhang imposible nang bumalik. umupo ka.
pagod. kailangan mong mag-isip ng paraan kung paano ka babalik sa
tamang landas.


pero
dahil nga pagod ka na at masakit na ang paa mong puro paltos dahil sa
maliit mong sapatos, umupo ka nalang. tumunganga. di mo alam ang
gagawin mo. gusto mong umiyak pero hindi mo magawa. tumingala ka at
nakita mong may mga cherry blossoms sa tabi. kaya inaliw mo nalang ang
sarili mo. kinalimutan mong nawawala ka. kinalimutan mong may sugatan
kang paa. kinalimutan mo ang mga bagay na dapat mong gawin. sa halip ay
nagpakaaliw ka sa cherry blossoms na ngayon mo lang nakita sa buhay mo.


pero
nalaman mo rin na sa tagal ng paghihintay ng mga tao sa pamumukadkad ng
cherry blossoms, ay sumisibol lamang ito sa loob ng ilang linggo.
pinanood mo kung paano tangayin ng hangin ang mga bulaklak sa isang
dramatikong paraan na inakala mong sa telebisyon mo lamang mapapanood.
matapos ay nakita mong wala na ang mga bulaklak. inubos na ng hangin.
gayunpaman, nasisiyahan ka parin sa lilim na nilikha ng mga malalagong
dahon na pumalit sa magagandang bulaklak.


kaya nakaupo ka parin hanggang ngayon.

kahit alam mong bukas, kailangan mo ng bumalik.

dahil
bukas ay panahon na ng taglamig, at kung di ka aalis sa iyong
pagkakaupo sa liliman, lalamunin ka ng malamig na niyebe at maninigas
kang yakap ang punong wala na ni bulaklak o dahon.


pero
hindi pa nga ba panahon ng niyebe sa kaibuturan ng iyong puso? hindi pa
ba naninigas ang puso mong nakakapit sa mga alaalang masasaya at
pantasyang pantasya lamang?


matatapos
na ang panahon ng tag-sibol. magsisimula na ang tag-init na susundan pa
ng tag-lagas bago ang tag-lamig. hindi pa naman huli ang lahat.
kailangan mo ng mag-isip ng susunod mong hakbang. sarado na ang daan sa
harap mo't wala ka na ring babalikan. kailangan mong maghanap ng
panibagong daan.


kailangan mo ng bumalik sa realidad. gaano man ito kalupit.

kailangan mo ng magbayad para sa panonood ng magandang palabas ng cherry blossoms.

dahil sa buhay na ito, walang libre.

_________________
OpenRice.com - Philippines' dining guide. Get restaurant info: address, numbers, business hours, etc. Read and submit restaurant reviews - with photos. Join OpenRice promos, giveaways & exciting prizes!
Back to top Go down
 
Watching Cherry Blossoms Fall
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Leonor Cipriano: Doctor excludes fall
» Milton Keynes Man Charged with Murdering Wife in India
» Brad Pitt
» Defamation of Gonalo Amaral begins to be judged
» Fall TV Season

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
L e s b i t :: Literature :: O r i g i n a lN o n - F i c t i o n-
Jump to: