L e s b i t

Forum: Life in the Philippines as a lesbian, bisexual or transgender.

C e l e b r a t i n g   L o v e   B e t w e e n   W o m e n

HomeHome  FAQFAQ  RegisterRegister  Log inLog in  WelcomeWelcome  Contact Us

Share |

ako ay biglang naging makata....

View previous topic View next topic Go down
AuthorMessage
loveumahalq
Mahiyain
avatar

Post Count : 7
Current Location : bamban tarlac
Sexual Identity : femme

My Status
Current Status:
I am feeling..:

PostSubject: ako ay biglang naging makata....   Sun 09 May 2010, 6:32 pm

bulag sa katotohanang naging tapat ako
pinaniwalang ika'y aking niloko
di ba sapat nagtiis ng limang buwan
upang sa huli ika'y aking makamtan
mula lima
naging dalawa
ngunit nang ako ay iyong sinubukan
pagkakataon na ikaw ay aking iwan
di ba sapat na maging sunudsunuran
sa lahat ng oras ako'y laging nandiyan
pati ako ay iyong naging sandalan
walang pasubalit di kita iniwan.......

heto hinabol kita ng isang linggo
at upang pagibig ko ay makita mo
ngunit ang sabi mo'y ako'y manloloko
kaya pagibig ko ay hindi totoo
tatlong buwan ang mabilis na lumipas
at ako sa iyo'y sawa na sa wakas....
oh anu pa at ikaw ay nandiriyan
at nais bumalik sa aking kandungan

o ang masasabi ko lamang sa iyo
"ano kailangan at bakit ka nandito
ako'y hindi naghinayang kailanman
sa kapalaran ng ating pagiibigan
paalam sa iyo oh lalaking gago
dahil doon namulat at nakita ko
na ikaw ay sadyang walang pagbabago
patawad mga babaeng kasabayan ko

mahal ko salamat sa pagmamahal mo
kahit ako'y nagago ako'y tanggap mo....
mahal na mahal kita mahal ko....

IF YOU HAVE IT, FLAUNT IT......
Back to top Go down
azir_1723
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 70
Current Location : noland
Sexual Identity : tao

My Status
Current Status:
I am feeling..: Indifferent

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Sun 31 Oct 2010, 3:29 am

hindi mahalaga kung anong ibabawi,
dahil ang ginagawa ko'y puso ang maysabi,
ang mahalaga lang sa akin na ika'y masaya
ang iyong mga ngiti, saki'y tuwa ang dala..

patawad kung minsa'y may pagkukulang
dahil aminadong ako'y tao lamang..
nawa'y pakinggan aking paliwanag
dahil di alam ang gagawin kapag tayo'y may tampuhan..

mahal na mahal kita, alam mo naman yan
ang puso ko ay sa iyo lang laan..
iyong pagbabalik aking aabangan..
pagka't iyong yakap at halik ay gusto ng maramdaman..

with you, i can smile...

<marquee>
</marquee>
Back to top Go down
azir_1723
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 70
Current Location : noland
Sexual Identity : tao

My Status
Current Status:
I am feeling..: Indifferent

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Sun 31 Oct 2010, 3:30 am

ang makausap ka ako ay maligaya,
ang makita ka, napapangiti sa saya,
ang magtxt ka, kilig ang nadarama
ang makasama ka, para saki'y langit na..

may isang bagay lang akong hindi ninanais
isang bagay na kaylanman'y di ko matitiis
ang makitang may luha sa iyong mga mata
ayokong umiiyak ang aking sinta..

sana ay pabilisin na ang mga araw,
upang makasama ko ulit ikaw,
sabik na ako na mayakap kita,
at ang iyong mga halik ay aking madama..

sweetie ko..

with you, i can smile...

<marquee>
</marquee>
Back to top Go down
azir_1723
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 70
Current Location : noland
Sexual Identity : tao

My Status
Current Status:
I am feeling..: Indifferent

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Sun 31 Oct 2010, 3:31 am

kapag kasama kita
anong ligaya ang nadarama
isang sulyap lang ng iyong mata
ako'y kinikilig na..

ngiti sa mga labi
pagod ko'y napapawi
gustong masilayan palagi
dahil sa puso'y natatangi..

bawat sandali ay parang kulang
kaybilis ng oras 'pag ika'y andyan
parang pintig nitong puso ko,
na sadyang nakalaan para lamang sa'yo...SARAH...

with you, i can smile...

<marquee>
</marquee>
Back to top Go down
azir_1723
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 70
Current Location : noland
Sexual Identity : tao

My Status
Current Status:
I am feeling..: Indifferent

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Sun 31 Oct 2010, 3:31 am

Habang papalayo ka
Di maintindihan an nadarama
Di pwedeng umiyak
Dapat malakas ang dibdib
Patulo ng luha ay pinipigil
Lakas na loob ay ipinipilit.

Kung pwede lang sana
Na ikay laging kasama
Kung pwede lang pigilan ka
Nagawa ko na sana,
Ngunit lam ko din
Na kailangang lumayo
Ngunit ito lng ang aking pangako
Mananatili ka
Dito sa aking puso.

Habang tinitingnan
Eroplanong papalayo,
Puso koy dinudurog
Luha sa matay dumaloy,
Siguro ngay madali lang
Ang isang taong magkalayo
Eto lang ang alam ko
MISS NA KITA KAAGAD

with you, i can smile...

<marquee>
</marquee>
Back to top Go down
azir_1723
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 70
Current Location : noland
Sexual Identity : tao

My Status
Current Status:
I am feeling..: Indifferent

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Sun 31 Oct 2010, 3:32 am

sa bawat pagkakataon na ika'y kasama ko,
ligayang nadarama nitong puso ko
sa mahigit isang buwan na pagkakataon,
naging masaya sa piling mo..

ngayo'y dalawang buwan, mula ng isagot
matamis kong OO, na para lang sa'yo
puso'y nabalot ng pagmamahal
at ang itinitibok ay tanging ikaw lang..

kahit anong mangyari, andito lang ako,
laging maghihintay sayo.
malayo man ang agwat nating dalawa,
sa puso'y ikaw lang, wala nang iba pa.

kahit anong sakit aking titiisin
para patunayan itong aking damdamin...
paninibugho ay pipigilin
wag ka lang mawalay sakin..

alam mo naman kung gano ka kamahal..
lahat gagawin upang mapatunayan,
kahit pa si mamy ay aking liligawan,
upang para sa'yo ako'y magustuhan...

sana po kahit tayo'y magkalayo
maramdaman mo pa din ang pag-ibig ko
sabi ko nga, andito lang ako..
mgahihintay lamang hanggang sa pagbalik mo sweetie ko...

with you, i can smile...

<marquee>
</marquee>
Back to top Go down
azir_1723
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 70
Current Location : noland
Sexual Identity : tao

My Status
Current Status:
I am feeling..: Indifferent

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Sun 31 Oct 2010, 3:33 am

tanging ikaw lang tinitibok ng puso,
kahit pa ito minsa'y nagdurugo,
ikaw ang laging laman ng isipan..
wala ng iba..tanging ikaw lang..

di ko nadarama na ako'y nasasaktan,
basta anjan ka, kayang kaya ko yan..
iyong sinasabing mahal mo ako..
at ako ang itinitibok ng puso mo..

lahat ng pagsubok, aking kakayanin,
wag lang ikaw ay mawala sakin,
habang buhay kitang mamahalin,
at sa susunod na buhay ay mananatiling ikaw pa din..

with you, i can smile...

<marquee>
</marquee>
Back to top Go down
azir_1723
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 70
Current Location : noland
Sexual Identity : tao

My Status
Current Status:
I am feeling..: Indifferent

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Sun 31 Oct 2010, 3:34 am

kumakbog aking puso sa tuwing ika'y nakikita
kahit larawan mo'y, iba na ang nadarama
tama mo sa akin ay talagang kakaiba,
ganun nga talaga dahil mahal kita..

marahil nga po na duwag ako,
ngunit un ay dahil ayaw malayo sayo,
mahal na mahal kita sabi ng puso ko
at iniisip ng isip ko..

sweetie, sana po ako'y patawarin mo
sa mga kasalanang nagawa ko sa'yo
isa lang naman ang magagawa ko
at iyon ay ang mahalin ka ng totoo..

kahit ano pa ang sabihin nila
pag-ibig ko sayo'y hindi mawawala..
mas pakikinggan ko mga sasabihin mo
dahil buo ang tiwala ko sa iyo..

MAHAL KITA SWEETIE KO...

with you, i can smile...

<marquee>
</marquee>
Back to top Go down
matcha2121
Adik
avatar

Post Count : 240
Current Location : Shibusen

My Status
Current Status: nagpapahinga
I am feeling..: Sleepy

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Fri 13 Sep 2013, 2:40 pm

azir_1723 wrote:
tanging ikaw lang tinitibok ng puso,
kahit pa ito minsa'y nagdurugo,
ikaw ang laging laman ng isipan..
wala ng iba..tanging ikaw lang..

di ko nadarama na ako'y nasasaktan,
basta anjan ka, kayang kaya ko yan..
iyong sinasabing mahal mo ako..
at ako ang itinitibok ng puso mo..

lahat ng pagsubok, aking kakayanin,
wag lang ikaw ay mawala sakin,
habang buhay kitang mamahalin,
at sa susunod na buhay ay mananatiling ikaw pa din..
it's 'nandiyan' , you know? LoL

gusto ko rin magpost dito xD at a later date siguro haha
Back to top Go down
newb
Mahiyain

Post Count : 18
Current Location : Quezon City, Philippines
Sexual Identity : FEMME
Preference : femme

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Mon 24 Feb 2014, 11:26 pm

Laruan ako
Ikaw ay laruan
Ang laruan ay ako
Ako ay maglalaro
Sa iyong laruan

Nakakapaso, nagbabaga
Ang init ng langit
Uhaw ng dapit hapon
Unti unting bumibitak
Sa litid na patid

Sa lalim ng taludtod
Babalangkasin ang hidwaan
Huhulmahin ang hiwaga
Sa indayog ng dila at anino
Ng parihaba
Sa pagitan ng laruan ng ako at ikaw....
Back to top Go down
echizen
Mahiyain
avatar

Post Count : 20
Current Location : oblivion

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....   Wed 26 Feb 2014, 11:02 am

Natural

kapag ikaw ay may crush
basta-basta ka na lang magba-blush
ngingiti ka na parang baliw
kaligayahan mo'y parang wala nang maliw

pero isang araw baka dahil sa iyong crush
marealize mo na 'it came over me in a rush'
hinay-hinay lang sa feelings, friend
baka kasi mabasted ka lang in the end

ngayon, kung nauntog ka na sa wakas
tahakin mo na ang panibagong landas
ang crush ba ay magbubunga into something else
kung kaya mong mafriendzone, edi gorabels
Back to top Go down
Sponsored content

PostSubject: Re: ako ay biglang naging makata....

Back to top Go down

ako ay biglang naging makata....
View previous topic View next topic Back to top
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
L e s b i t :: Literature :: O r i g i n a lN o n - F i c t i o n-
Jump to: