L e s b i t


Forum: Life in the Philippines as a lesbian, bisexual or transgender.

C e l e b r a t i n g   L o v e   B e t w e e n   W o m e n
 
HomeHome  FAQFAQ  RegisterRegister  Log inLog in  WelcomeWelcome  Contact Us  

Share | 
 

 POLARIS

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Guest
Guest
avatar


PostSubject: POLARIS   Mon 26 Sep 2011, 1:59 pm

"Ano na ang plano mo niyan ngayon?" maikling tanong niya sa akin. Sandali ko siyang tinignan bago ko ibinalik ang aking paningin sa langit. Nasa may Antipolo kami ng mga oras na yun. Sa may overlooking, nakahiga sa hood ng kotse ko.

"Natatakot ka ba?" Balik-tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Honestly Aimee, OO. Natatakot ako." Tugon niya.

Napangiti ako. Pinaling ko ang aking ulo sa kanya at ginagap ko ang kaniyang kamay. Pinisil ko iyon.

"Bakit ka natatakot?" Muli ay tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagkalito sa kaniyang mga mata.

"Tinakwil ka na ng pamilya mo dahil sa akin. Saan na tayo magsisimula ngayon?" Tila naiiyak na tanong niya. Kahit itago niya, alam ko nagui-guilty siya sa mga nangyari. Pinisil ko muli ang kamay niya at muli kong tinitigan ang langit. Ayokong makita niya ang lungkot na nakatago sa mga mata ko.

"Hindi ka ba natutuwa? Ginawa ko iyon dahil mahal kita."

Patlang. Saglit na katahimikan. Narinig kong humikbi siya. Hindi ko siya nilingon pero pinisil ko muli ang kaniyang mga kamay.

"Ayoko lang magsisi ka sa huli. Ayokong nakikitang nasasaktan ka." Humihikbing wika niya.

Napangiti akong muli. Katabi ko ang taong pinili kong mahalin. Isa ring babae. Tinakwil ako ng parents ko dahil sa kanya. Pero ang weird, dahil panatag ang kalooban ko.

"Bakit ka ba naiyak? Ikaw ba ang tinakwil?" Tumawa ako ng mahina.

"Seryoso ako Aimee! Nakukuha mo pang magpatawa!"

Tuluyan na akong natawa. Ang cute talaga niya kapag naiinis. Kahit siguro araw araw siyang mainis sa akin, hindi ko pagsisisihan na minahal ko siya.

"Huwag ka ngang maasar! Ang seryoso mo naman kasi. Kahit umiyak ka natakwil na nila ako. Kaya wala kang choice kung hindi kupkupin ako!" Natatawang turan ko.

Tinitigan niya ako ng matiim.

"Kahit hindi mo sabihin, kukupkupin naman talaga kita. Isa ka ng orphan sa paningin ko!" Napapangiti na ring wika niya.

Nagtagumpay ako.

"Ayan. Ngumiti ka. Basta ngumiti ka lang sa akin, kahit gaano kabigat ang problema at kahit pasanin ko pa ang mundo, hindi ko mararamdaman yun."

"Nambola ka nanaman!" Wika niya sabay kurot sa braso ko.

"Aray naman! Hindi ako nambobola!"

"Eh ano lang pala?"

Tinitigan kong muli ang langit. Ito ang unang gabi ng aking pagiging malaya. Unang gabi na haharapin ko ang mundo na walang kinatatakutan.

"Mahal kita Liz. Oo nalulungkot ako sa nangyari. Maybe kung mas pinili nilang unawain ako at tanggapin ako kung sino ako ngayon, mas naging ok ang lahat. Pero hindi naman nilikha ang mundo para umayon lagi sa kung anong gusto natin eh. Hindi perpekto ang mundong meron tayo. Pero kahit ganun, natutunan kong maging matapang para sa mga bagay na magpapasaya sa akin. At sa puntong ito, pinili kong maging matapang para sayo."

Malamig ang dapyo ng hangin. Hindi siya umimik. Nagpatuloy ako.

"Mahal kita, at para sa akin, sapat iyon para ipaglaban kita. Kahit buong mundo ang kumontra sa atin, haharapin ko. Lahat kakayanin ko basta nandito ka lagi sa tabi ko."

Humihikbi nanaman siya. Minsan ang hirap din magka-girlfriend ng iyakin eh. Bawat patak kasi ng luha niya, parang lumalatay sa pagkatao mo.

"Hanggang kailan? Hanggang kailan mo kakayanin ang lahat?" Mahinang tanong niya.

Nilingon ko siyang muli. Pinahid ko ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi.

"Kulang ba ang habambuhay? Oh sobra ba ang kailan pa man?"

Natawa siya. Nagwagi nanaman ako.

"Ang korni mo!"

Niyakap ko siya. Mula sa gabing ito, alam ko sa sarili ko na hindi na kami maghihiwalay.

"Kahit araw-araw at gabi-gabi pa akong maging korni ayos lang, benta naman sayo eh!" Tumatawang tugon ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

"Natatakot ako." Bulong niya.

Natatakot din ako. Gusto kong sabihin sa kanya. Pero hindi maaari.

"Shhh. Isipin mo palagi na hangga't magkasama tayo, magiging maayos ang lahat. Hindi sa ibang tao nakasalalay ang buhay natin. Hindi mahalaga kung paano nila tayo huhusgahan. Ikaw at ako lang ang mahalaga."

Hindi nanaman siya umimik. Alam ko nag-iisip siya.

"Dati walang mahalaga sa akin kundi ang mga bagay na kinahiligan at kinasanayan ko nang gawin sa buhay ko. Wala akong ibang pinakikinggang kung hindi mga sarili kong pananaw lang. Pero noong nakilala kita, naisip ko, lahat pala ng iyon walang halaga. Lahat iyon kaya kong bitawan huwag ka lang mawala sa akin."

"Hindi na mahalaga kung ano ako dati, ang mahalaga ngayon, kung sino ako ng dahil sa iyo. Masama man sa paningin nila ang relasyon natin, isipin mo lagi, walang malinis na tao sa mundo kaya wala silang karapatang husgahan tayo."

"Alam mong hindi mauubos ang taong huhusga sa atin." Muli ay wika niya.

"Oo alam ko. And so? Sila ang magpapatibay sa atin."

Ang daming bituin. Sarap isipin na pinagmamasdan nila kami ng mahal ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka Aimee. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta."

Ang nega talaga ng girlfriend ko. Napapailing na lang ako.

"Tumingala ka. Alam mo ba yung Polaris?" Tanong ko sa kanya.

Nakakunot ang noo niya.

"Hindi. Ano yun?"

Natawa ako. Nakita ko na nacurious siya sa sinabi ko.

"Pagmasdam mo ang langit. Nakikita mo ba yung small dipper?" Tanong ko sabay turo sa tinutukoy ko.

Tumango-tango siya.

"Iyong makinang na bituin na iyon sa may dulo ng hawakan niya, yun ang Polaris. Ang north star." Parang batang turan ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Eh ano naman po ang koneksyon nun sa ating dalawa?" Nakangiting wika niya.

"Tinawag siyang north star kasi ang posisyon niya ang nagtuturo ng north. Dati noong hindi pa uso ang compass, siya ang ginagawang compass ng mga traveller para hindi sila maligaw."

Nakakunot pa rin siya. Nagpatuloy ako.

"Someday, kapag nawala ako gusto kong maging si Polaris. At kapag hindi mo makita ang daan mo kung saan ka man pupunta, titigan mo ako sa langit. Ituturo ko sayo, hindi kita iiwan. Promise yan."

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko umiiyak nanaman siya. Napakabigat ng pangakong binitawan ko. Pero kung para sa babaeng kasama ko ngayon, kahit gaano kabigat, tutuparin ko. At kung dumating man ang panahon na iiwan ko siya, ipipilit at ipipilit ko ang sarili ko sa kahit na sinong diyos para maging ako ang Polaris na inaasam ko. Para kahit sa malayo, maramdaman niya... hindi ako mawawala sa tabi niya.

Kumalas siya sa pagkakayapos sa akin at umupo.

"Tayo na mahal. Kailangan na nating umuwi." Nakangiting wika niya.

Napatitig ako sa mukha niya. At sa loob loob ko ay nasabi ko "Ikaw ang tahanan ko...".

"Saan tayo uuwi?" Tanong ko.

"Sa bahay ko, na bahay mo na rin ngayon. Sa tahanan natin."

Hinalikan ko ang kamay niya.

"Basta katabi kita, I know I'm always home. Mahal na mahal kita Liz."

Hinagkan niya ako ng mabilis sa labi.

"At mahal na mahal din kita Aimee."



FIN
Back to top Go down
Guest
Guest
avatar


PostSubject: Re: POLARIS   Mon 26 Sep 2011, 2:50 pm

mmm iyakin talaga aq. sayang malakas ang ulan nung taong 2007.
Back to top Go down
Guest
Guest
avatar


PostSubject: Re: POLARIS   Mon 26 Sep 2011, 4:22 pm


gusto ko to:

jybrielle wrote:


"Shhh. Isipin mo palagi na hangga't magkasama tayo, magiging maayos ang lahat. Hindi sa ibang tao nakasalalay ang buhay natin. Hindi mahalaga kung paano nila tayo huhusgahan. Ikaw at ako lang ang mahalaga."



idol talaga kita jyb. naiyak ako. hihi worship
Back to top Go down
Sanguine
Mahiyain
avatar

Post Count : 6
Current Location : MANILA

PostSubject: Re: POLARIS   Mon 26 Sep 2011, 5:20 pm

I am always wondering where you are getting all the ideas. Books? Other stories? Experiences? Nevertheless, tagalog or english, you never failed to fascinate me. I was kinda hoping though that you will post the other chapters of "It's Her". It is my original favorite.

I guess the past years made you a better "writer-in-the-making". Keep it up. I want to see your name on book stands one day soon. :)
Back to top Go down
DsCreet
Lesbit Fan
avatar

Post Count : 250
Current Location : floating
Preference : Friends

My Status
Current Status: Single
I am feeling..: High!

PostSubject: Re: POLARIS   Tue 27 Sep 2011, 5:38 am

magaling - - worship
Back to top Go down
The author of this message was banned from the forum - See the message
ree
Sikat
avatar

Post Count : 144
Current Location : somewhere far from here

My Status
Current Status: none of ur business
I am feeling..: Sad

PostSubject: Re: POLARIS   Tue 01 Nov 2011, 10:48 am

gusto q tong part n toh..

"Shhh. Isipin mo palagi na hangga't magkasama tayo, magiging maayos ang lahat. Hindi sa ibang tao nakasalalay ang buhay natin. Hindi mahalaga kung paano nila tayo huhusgahan. Ikaw at ako lang ang mahalaga."

klap!.. klap!.. klap!..

_________________
ree
Back to top Go down
The author of this message was banned from the forum - See the message
Sanguine
Mahiyain
avatar

Post Count : 6
Current Location : MANILA

PostSubject: Re: POLARIS   Tue 08 Nov 2011, 3:32 pm

apple wrote:
ang galing ng writer ng polaris. i'm eating reese's peanut butter cups with my boyfriends. masarap eto pero mas masarap yung kwento ng guest writer...hi miss...witwiw...lol

Yeah. She's good. Too bad she won't be able to read your comment anymore. :(
Back to top Go down
The author of this message was banned from the forum - See the message
Sanguine
Mahiyain
avatar

Post Count : 6
Current Location : MANILA

PostSubject: Re: POLARIS   Thu 10 Nov 2011, 6:14 pm

apple wrote:
^ she can listen to me - face to face. lol.

How's that supposed to happen? :) She deleted her account and she probably don't know you exist. But anyways, tell her hi for me when "she listen to you - face to face" LOL :)
Back to top Go down
The author of this message was banned from the forum - See the message
enna
Agaw Eksena
avatar

Post Count : 78
Current Location : QC
Sexual Identity : femme
Preference : charlie

My Status
Current Status: in a relationship
I am feeling..: Happy

PostSubject: Re: POLARIS   Fri 30 Dec 2011, 7:04 pm

"Shhh. Isipin mo palagi na hangga't magkasama tayo, magiging maayos ang lahat. Hindi sa ibang tao nakasalalay ang buhay natin. Hindi mahalaga kung paano nila tayo huhusgahan. Ikaw at ako lang ang mahalaga."



i really love this..... tama ka walang karapatan ang kahit sino na humusga.....ang mahalaga
nagmamahalan at magkasama....together you can surpass all trials......

_________________
" I love the way you so amazingly love me....."
Back to top Go down
Sanguine
Mahiyain
avatar

Post Count : 6
Current Location : MANILA

PostSubject: Re: POLARIS   Sat 14 Jan 2012, 4:29 pm

I miss seeing your name here. I miss hearing you read your stories. I miss being the first person to read what you write, to hear your thoughts before you put them in paper, to see you lost in thoughts in front of your laptop. I miss everything about you. I miss being with you. Why did I ever let you go? :(
Back to top Go down
potchie
Mahiyain
avatar

Post Count : 6
Current Location : cdo, philippines...
Sexual Identity : soft butch
Preference : malambing...

My Status
Current Status: single
I am feeling..: Happy

PostSubject: Re: POLARIS   Thu 02 Feb 2012, 2:44 am

nice... it kept me reading... hope i'l find my polaris...
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: POLARIS   

Back to top Go down
 
POLARIS
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
L e s b i t :: Literature :: O r i g i n a lF i c t i o n-
Jump to: