L e s b i t


Forum: Life in the Philippines as a lesbian, bisexual or transgender.

C e l e b r a t i n g   L o v e   B e t w e e n   W o m e n
 
HomeHome  FAQFAQ  RegisterRegister  Log inLog in  WelcomeWelcome  Contact Us  

Share | 
 

 Closing Time

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
matcha2121
Adik
avatar

Post Count : 240
Current Location : Shibusen

My Status
Current Status: nagpapahinga
I am feeling..: Sleepy

PostSubject: Closing Time   Tue 04 Feb 2014, 1:00 pm

Part 1

Nagkakilala kami sa isang online site.

Bored kami pareho. Kaya isang gabi nagkasabay kami ng paglog-in sa chatbox. Medyo marami ring ibang tao doon. At siyempre, nandoon ang walang puknat na tanong na 'ASL'? Seriously, at this day and age ginagamit pa ba yang acronym na yan? Dun ka nga sa year 2005 bumalik. Baka may magtiyaga sa'yo.

Anyway.. medyo may saltik rin siya.. tanungin ba naman siya ng age aba ang sagot ng loka ay '40'. Eh kung tadyakan ko kaya siya. Kainis.

Mabait naman siya.. madali kausap.. medyo maloko rin.. pero halata mong may concern siya.. aba eh isang text ko lang, mag-oonline na agad para makipagdaldalan. Miss ko na nga siya eh.

'Di ko man siya nakikita pa nang personal, she makes me want to stare at her entirety and just make her melt at my will. Kung hubog lang naman ng katawan ang pag-uusapan, walang sinabi si Anne Curtis. How can a person maintain such a gorgeous body and flaunt it in the whole world like it's not that much of a big deal?

Oops. Tinatamad ka na ata magbasa. Eh pa'no ba naman,naka-ilang talata ka na, 'di pa rin ako nagpapakilala. Kailangan pa ba 'yun? Hindi ba puwedeng kausapin na lang kita? Importante ba talaga ang pangalan? Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan?

Chos.

Pero kahit ganito ako, nagsasabi naman ako ng totoo. Kaya kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako. Ay..

O sige na nga.. obvious na obvious na nasa ganap na estado na ako ng kasabawan.


_________________
Whatever will be, will be..
Back to top Go down
Sacey
Mahiyain
avatar

Post Count : 9
Current Location : Manila

PostSubject: Re: Closing Time   Wed 05 Feb 2014, 8:00 am

..... hmmm "puzzled".....
sino ba yang si 40???

PART 2
Back to top Go down
matcha2121
Adik
avatar

Post Count : 240
Current Location : Shibusen

My Status
Current Status: nagpapahinga
I am feeling..: Sleepy

PostSubject: Re: Closing Time   Wed 05 Feb 2014, 10:40 am

Sacey wrote:
..... hmmm "puzzled".....
sino ba yang si 40???




PART 2


HAHAHAHHAHA!!! Isang karakter na mula sa aking kathang-isip XDDD

_________________
Whatever will be, will be..
Back to top Go down
Advocate
Sikat
avatar

Post Count : 149
Current Location : Beauxbatons
Sexual Identity : Bisexual

My Status
Current Status:
I am feeling..: High!

PostSubject: Re: Closing Time   Wed 05 Feb 2014, 4:48 pm

Sacey wrote:
..... hmmm "puzzled".....
sino ba yang si 40???

PART 2

Sino nga ba?  kissy kiss 

_________________
Do not be afraid to give everything when you love someone..
If the relationship fails, you won't end up blaming yourself..
Instead, you can have a tap in the back and say that you have given it your best shot..
Back to top Go down
matcha2121
Adik
avatar

Post Count : 240
Current Location : Shibusen

My Status
Current Status: nagpapahinga
I am feeling..: Sleepy

PostSubject: Re: Closing Time   Wed 05 Feb 2014, 10:50 pm

Advo8 wrote:
Sacey wrote:
..... hmmm "puzzled".....
sino ba yang si 40???

PART 2

Sino nga ba?  kissy kiss 

wag kayong makulit haha. baka sa Linggo na yung susunod na kabanata..

mej busy ang lola hahaha

_________________
Whatever will be, will be..
Back to top Go down
matcha2121
Adik
avatar

Post Count : 240
Current Location : Shibusen

My Status
Current Status: nagpapahinga
I am feeling..: Sleepy

PostSubject: Re: Closing Time   Mon 10 Mar 2014, 12:54 pm

Part 2


'Ano na kayang ginagawa ng mokong na 'yun?'

Itago na lang natin siya sa pangalang Natalie. Tatlumpung-taong gulang. Malulusog ang mga dibdib at kayang-kaya pa ring makipagsabayan sa mga bente-anyos na kadalagahan. Sadyang napakaputi ng kutis nito. Animo'y alagang-alaga sa paliligo ng gatas. Bakas man ang ilang taon ng karanasan sa kanyang pagmumukha, hindi pa rin maitatago ang angking alindog nito.

Mahigit sampung minuto na rin siyang naghihintay sa coffee shop kung saan sila nakatakdang magkita. Oo, matapos ang halos dalawang taong paghihintay, magkikita na rin ang dalawang pusong nabihag ni kupido. Sino nga ba naman ang makapagsasabing sa kabila ng lahat ng pag-iinarte ng dalawa ay nakarating pa rin sila sa puntong ito. Tiningnan niya ang kanyang relo, '4:10pm' sabay higop sa in-order niyang cappuccino.  Hindi niya maiwasang mapangiwi sa lasa ng natikman. 'Ano bang meron dito at nahiligan niya? Hindi ko talaga magets.'

----

Humahangos ng takbo ang isa. Pangkaraniwan na lamang na ma-late siya sa anumang uri ng pagtitipon. Pero nagkamali ata siya na mahuli sa pagkikita nila. 'Deds na ako nito. Bubugbugin na niya ako hahaha,' nakangiti siya habang iniimagine kung anong itsura ng taong kakatagpuin.

Hindi pa sila nagkikita ever. Bakit naman hindi? Eh sa hindi sila atat. They took their sweetest time to get to know one another. And for them, it would be tremendously unfair to just engage in a romantic relationship knowing that they still had some score to settle with their past. And now that the time for the two of them has finally come..

----

Isa lamang siyang dakilang taga-utos sa kanyang pinagtatrabahuhan. Sa edad na bente-kwatro, malayo na rin ang kanyang narating. Siya na ang umaalipin sa departamentong kanyang kinabibilangan. Char lang. Mahal niya ang trabaho niya kahit isinusuka na niya ito. Weird noh?

"April, halika na!"

"Sandali lang, malapit na matapos report ko!." Mabilis na nagtype ng mga numero ang dalaga. Tuwang tuwa siya dahil sa wakas ay maipapasa na niya sa itaas ang matagal na niyang pinagpaguran. Hindi biro humatak ng mga datos para sa productivity report na hinigingi sa kanya.

"Tagal naman! Gutom na ako" kantyaw ng kanyang matalik na kaibigang si Alfred. Friday night. Magpapakalango na naman sila sa alak.


"Eto na po!" sinara na ni April ang kanyang laptop at dali-daling niligpit ang mga natirang gamit sa kanyang lamesa. Tiningnan niya ang sarili mula sa front camera ng kanyang iPhone 5s. 'Bogsa pa rin. Hahaha!'

Nagtungo sila sa isang ramen shop. Sikat na sikat ito dahil sa unique nitong istilo. Sa madaling salita, not your usual ramen.

"One tonkotsu saka one tantanmen." Ngumiti ang waitress nang marinig ang kanilang order at sumenyas agad sa kitchen.

"O, dali ano na'ng bago sa'yo?" tanong ni Alfred sa stressed na kaibigan.

"Wala naman. Normal pa rin," kanyang sagot habang busy sa pagttype sa kanyang cellphone.

"Sus. Eh kelan mo kaya balak ikuwento sa'kin kung sino yang nagpapasaya sa'yo lately?" tiningnan ng lalaki si April na parang nang-aasar.

"Sige na nga. Fine. May nakilala akong kaibigan sa isang website. Matanda na siya pero I kinda like her."

"Wow ha. Where in the world is the part that you only kinda like her?" tumawa nang malakas si Alfred. "Ilang taon na nga uli tayo magkaibigan, April? Akala mo ba hindi ko alam na sa tuwing hindi mo makontrol ang sarili mo na hindi magtetetext or magrereply agad sa phone mo eh may nakakuha na ng special attention mo?"

"Ano daw?" napangisi si April sa narinig. 'Ganun pala talaga ako ka-obvious'

"Taga-saan naman 'yan ha?" Nagsimula nang mag-interrogate si Alfred. Mahal nito ang kaibigan. Pero saka na ang storya nila. Ipapakilala ko muna ang bida.



_______________________________________________________

Author's notes:


Saan ninyo gustong manggaling yung chorva ni April?

a. Luzon

b. Visayas

c. Mindanao

d. Hindi sa Pilipinas
Back to top Go down
kristel
Kinakarir
avatar

Post Count : 162
Current Location : fujairah, uae
Sexual Identity : pa-girl
Preference : mats2 ko

My Status
Current Status: In-Love
I am feeling..: Ecstatic!

PostSubject: Re: Closing Time   Mon 10 Mar 2014, 2:50 pm

d. hindi sa pilipinas

_________________
bear roll
Back to top Go down
matcha2121
Adik
avatar

Post Count : 240
Current Location : Shibusen

My Status
Current Status: nagpapahinga
I am feeling..: Sleepy

PostSubject: Re: Closing Time   Mon 10 Mar 2014, 5:30 pm

kristel wrote:
d. hindi sa pilipinas

edi saan mo gusto kung hindi sa pilipinas? XD

_________________
Whatever will be, will be..
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Closing Time   

Back to top Go down
 
Closing Time
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Diane Schuler Was Drunk and High at the Time of the Crash That Killed 8
» Seeking one time donations or ongoing relationship for my twins!
» Dig a waste of time
» London is over ...and it's about time too!!
» Logan Henderson (Big Time Rush)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
L e s b i t :: Literature :: O r i g i n a l  F i c t i o n-
Jump to: