L e s b i t


Forum: Life in the Philippines as a lesbian, bisexual or transgender.

C e l e b r a t i n g   L o v e   B e t w e e n   W o m e n
 
HomeHome  FAQFAQ  RegisterRegister  Log inLog in  WelcomeWelcome  Contact Us  

Share | 
 

 -Untitled-

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
cjconcepcion10
Mahiyain


Post Count : 5
Current Location : Manila
Sexual Identity : Bi

My Status
Current Status:
I am feeling..:

PostSubject: -Untitled-   Sun 23 Nov 2014, 8:49 am

Pwede naman akong magsulat sa English, pero mas pipiliin kong gamitin ang sarili nating wika para ipahayag ang nararamdaman ko para sa iyo. Ikaw, ako, tayo. Mahigit limang buwan na din tayo pinagtagpo ng tadhana. Pero pakiramdam ko, ang tagal na natin magkakilala. Alam mo na ang lahat sa akin at ganon din ako sa iyo. Hindi na alintana ang bawat walang kabuluhang usapan. Marinig lang ang tinig na waring musika sa tenga. Nakapagduduyan ng damdaming pagal sa kabalisaan ng ngayon. Walang ibang nais kundi ang makapiling ka. Walang ibang pangarap kundi ang ikaw at ako ay maging isa. Mahal na mahal kita. Kagaya ng sinabi ko sa iyo noon, hindi ko hinahanap ang pag-ibig hanggang matagpuan kita. Binali mo ang kahulugan ng pag-ibig, dinurog, pinulbos at hinulma muli taglay ang bagong depinisyon. Hindi ko pinagsisihang naging parte ako ng sinasabi mong magulong pamilya pagkat sa angulong aking tinitignan, isa lang ang aking nakikita, walang perpekto sa mundo, pero perpekto ang mundo ko dahil minahal mo ako. Wag kang mag-alala, patuloy ako sayo'y magiging tapat. Mamahalin kita sa paraang alam ko, pagsisilbihan ka, aalagaan at uunawain ka. Bubuo tayo ng pamilya. Walang imposible sa mundo, mangako ka lang na di mo bibitawan ang kamay ko. Ikaw ang aking pangarap, ikaw na aalayan ko ng mundo.
Back to top Go down
Kardyn_21
Mahiyain
avatar

Post Count : 23
Current Location : Bangkok, Thailand
Sexual Identity : Femme
Preference : We're married.. :)

My Status
Current Status:
I am feeling..: Hungry

PostSubject: Re: -Untitled-   Mon 24 Nov 2014, 2:47 pm

Mas maganda parin sya pakinggan pag English girl. Revise!
Back to top Go down
cjconcepcion10
Mahiyain


Post Count : 5
Current Location : Manila
Sexual Identity : Bi

My Status
Current Status:
I am feeling..:

PostSubject: Re: -Untitled-   Mon 24 Nov 2014, 2:59 pm

depende sa nakikinig :) hehe
Back to top Go down
Kardyn_21
Mahiyain
avatar

Post Count : 23
Current Location : Bangkok, Thailand
Sexual Identity : Femme
Preference : We're married.. :)

My Status
Current Status:
I am feeling..: Hungry

PostSubject: Re: -Untitled-   Mon 24 Nov 2014, 3:10 pm

:D Sumasangayon po ako, kung iyong mararapatin akoy snay iyong patawarin. Kung sino man and maswerte na tao na iyong pinag aalayan ng liham na ito ay siguradong abot langit ang saya dahil ang isang kaludad mo ang lumiham sa kanya.
Back to top Go down
cjconcepcion10
Mahiyain


Post Count : 5
Current Location : Manila
Sexual Identity : Bi

My Status
Current Status:
I am feeling..:

PostSubject: Re: -Untitled-   Mon 24 Nov 2014, 3:18 pm

hahaha. ang lalim. :) walang dapat ihingi ng tawad girl. keri keri tau jan.
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: -Untitled-   

Back to top Go down
 
-Untitled-
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
L e s b i t :: Talkin' Talk :: R e l a t i o n s h i p s-
Jump to: